Saturday, September 29, 2012

New Venture

Once upon a time, I failed as a nurse. Matagal din bago ako nakarecover. Pero nakafully recovered naman ako :) Miss ko na magnurse :) Mahina ako sa practical or clinical pero siguro may mga bagay lang talaga na di maibibigay sayo at kelangan mo lang yun tanggapin. Si daddy nga ang may gusto na magnurse ako pero ako naman tinapos ko kahit i struggle on some nursing procedures. But I was trained naman, marami ako natutunan naman yun nga lang di lang ako nagtiyaga. O kaya di lang ako ganun kamature. Ewan. Ngayon, I am thinking to go back on that kind of life. Nasa Guam na ko ngayon and I have the option. I need some people to help me with CGFNS and NCLEX. Di ko nga lang alam kung tama yung nasa isip ko. Sa totoo lang gusto ko magtrabaho. Gustong gusto ko magwork. Kung as a nurse, yung tipong nasa clinic lang yung gusto ko :) Kapag nasa hospital kasi maraming demands. I believe I'm a book smart kasi not a clinical smart. :) But life seems to go on. Ayoko isipin na di ko kaya kasi alam ko nuon di lang ako nagtyaga. Weak ako nuon ayoko na magpakaweak ngayon. While I'm composing this post, as in now, I remember the time I went to the computer shop, then saw my name on the list of board passers, that was way back 2010. I was happy. I run to my mom and hurriedly said the good news and she cried, it was tears of joy. Pinaghirapan ko  maipasa yun. Pinagdasal ko na "Lord, kung gusto nyo po maging RN ako sa Pilipinas kayo na po ang bahala." Well, naging RN nga ako. Pinagdasal ko rin to "Lord, sana makatulong ako sa ibang tao, I'll serve the Filipino people." And nagkatotoo nga :) But only for a month. Di naman nagkulang ang Diyos. Sa totoo lang lahat naman ng pinagdasal ko dininig nya. Kulang lang ako ng Faith in Him at Faith sa sarili ko. Sana nuon kung naiistress ako sa hospital sana man lang nagdadasal ako at nagrerelax. Kasi narealized ko kung may sapat kang tulog at fresh ka before going to work. All is well. Ang importante pag nurse ka, nakakapag-alaga ka. Sa ospital litong lito ako sa mga pasyente sa dami nila at sa relative nila. Haha madali ako malito. tapos ang bagal ko pa minsan sa trabaho. Enough of that. that was me before. I want to scratch all of that.


October 2012. Driving lessons and driving test month. And aasikasuhin ko na ang CGFNS and NCLEX. Siguro ngayon naisip ko, mahal ko si mama kaya gagawin ko to. Mahal man ang gagastusin ko sa NCLEX sulit naman kasi pagpumasa ko I'll let my mama cry for tears of joy again. Para kay Daddy din. Wala man siya ngayon dito sa mundo ngayon, alam kong binibigyan nya ako ng signs at path na gusto nya para sakin. 3 para sa magiging future patients ko, magaaral ako ng mabuti para maalagaan ko ng mabuti ang future patients ko. GOAL: For 2013, Natalie Y. Ong, RN, USRN. Di ko iisipin dito ang sarili ko. Para to sa mga tao dito sa birthland ko, mahal ko ang Guam dahil dito ako pinanganak. Might as well, love the people. Especially the sick. Iisipin ko rin ang future ko. Maraming nangangailangan ng nurses. Gusto ko isigaw, Kailangan nyo KO!!!.. Vocation ang pagiging nurse. yun ang dapat tandaan.